Ni: Mary Ann Santiago

Arestado ang isang lalaki sa pagwawala at paglalakad nang hubo’t hubad sa tapat ng isang restaurant sa Tondo, Maynila, nitong Sabado ng gabi.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso si Romeo Surban, Jr., 24, ng Barangay 133, Balut, Tondo, na kasalukuyang nakakulong sa Manila Police District (MPD)-Station 7.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Police Supt. Alex Daniel, inaresto ang suspek sa tapat ng Kowloon House sa Juan Luna Street, Tondo, dakong 7:30 ng gabi.

Una rito, namataan ng mga barangay tanod si Surban na naglalakad nang hubo’t hubad.

Ateneo de Davao, sinagot na scholarship ng mga kapatid ni Rene Baterbonia

Agad nila itong ipinaalam sa mga nagpapatrulyang pulis at inaresto si Surban at idiniretso sa presinto.