ni Mary Ann Santiago

Namatay na ang itinuturing na pinakamatandang hippopotamus sa mundo sa edad na 65.

Ayon kay Manila Parks and Recreations Bureau Director James Albert Dichaves, si “Bertha” ay natagpuang patay ng mga manggagawa sa Manila Zoo sa Malate, Manila.

Isinailalim sa autopsy ang katawan ng hayop at walang nakitang anumang sakit, kaya’t ikinukonsiderang namatay ito sa sobrang katandaan.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ipinagmalaki ni Dichaves na nalagpasan ni Bertha ng 14 taon ang karaniwang haba ng buhay ng isang hippo na 40-50 anyos lamang. Inilibing si Bertha sa bakanteng lote sa loob ng zoo. Gayunman, binabalak na ipreserba ang kanyang bungo kaya’t posible itong hukaying muli.

Hulyo 25, 1959 nang simulang alagaan si Bertha sa Manila Zoo, kasabay ng pagbubukas ng naturang pasyalan sa publiko, kaya’t itinuturing siyang ‘pioneer’ o unang hayop sa zoo.