DOHA (AFP) – Mahigit isang buwan makaraang magsimula ang diplomatic crisis sa Gulf, animo’y ulan sa disyerto ang inaasam na resolusyon.

Patuloy na nagmamatigas ang magkabilang panig, ang grupo ng Saudi-led allies laban sa Qatar -- at malabong makahanap ng face-saving solution para sa lahat anumang oras simula nang pumutok ang iringan noong Hunyo 5.

‘’I think that this crisis has a way to go still,’’ sabi ni Kristian Ulrichsen, Gulf analyst sa Baker Institute sa US-based Rice University.

Nagpahiwatig ang US State Department na magtatagal pa ang iringan ng Saudi Arabia, Bahrain, United Arab Emirates at Egypt na pinutol ang ugnayan sa Qatar kaugnay sa paratang na sinusuportahan nito ang mga terorista.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

‘’We believe that this could potentially drag on for weeks. It could drag on for months,’’ sinabi ni State Department spokeswoman Heather Nauert nitong Hulyo 6.

Tumanggi ang Qatar sa 13 kondisyon ng Saudi at mga kaalyado nito, kayat nagbanta ang grupo ng karagdagang mga parusa. Bumuwelta ang Qatar at tinawag ang apat na Arab states na ‘’siege countries’’.

‘’There will be no lifting of the sanctions any time soon, I can’t see that happening,’’ obserba ni Andreas Krieg ng Defence Studies Department sa King’s College London.