ni Beth Camia

Inihayag ng Malacañang ang pagkakatalaga kay retired Gen. Dionisio Santiago bilang bagong chairman ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na si Santiago ay dating director-general ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at kilala sa expertise at adbokasiya laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Abella, ang pagbabalik ni Dionisio sa gobyerno bilang DDB chairman ay malaking kontribusyon sa hangarin ni Pangulong Duterte na magkaroon ng isang drug-free Philippines.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Papalitan ni Santiago si Benjamin Reyes, na isinapubliko ng Pangulo ang pagsibak dahil sa paglalahad ng magkakaibang datos sa kabuuang bilang ng mga adik sa bansa.