Ni NITZ MIRALLES
HINDI lang pala ang Seven Sundays ng Star Cinema ang gagawing pelikula this year ni Aga Muhlach dahil may gagawin din siya sa TEN17P film company ni Paul Soriano. Wala pa itong title at hindi pa naglabas ng details ang director, pero marami na ang excited.
Ang litrato pa lang na magkasama sila ni Aga ang ipinost ni Direk Paul at may caption na, “It’s happening #TEN17P #ComingSoon #AgaMuhlach.”
Anuman ang pelikulang ito, naghihintay na ang fans ni Aga na matagal nang hindi napapanood sa big screen. Pati nga sa telebisyon madalang mapanood ang aktor, kaya tuwang-tuwa ang fans niya sa balitang balik-pelikula ang aktor.
(Editor’s note: Tiyak na ito na ‘yung binabalak nilang pelikula na pagtatambalan nina Aga at Toni Gonzaga.)