Ni: Fer Taboy

Tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at isang sundalo ang namatay sa sagupaan sa Sulu nitong Sabado.

Kinumpirma rin ni Brig. General Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu, na 15 sundalo ang nasugatan sa bakbakan na nangyari dakong 8:45 ng umaga sa Sitio Darayan, Barangay Danag, malapit sa boundary ng Barangay Buhanginan sa Patikul.

Sinabi ni Sobejana na nakaengkuwentro ng tropa ng 21st Infantry Battalion ng Philippine Army, sa pamumuno ni Maj.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Christopher Genzola, ang hindi mabilang na armadong bandido.

Ang nasabing grupo ng mga bandido ay pinamunuan ng isang Almujer Yaddah, sub-leader ng ASG, ayon kay Sobejana.

Tumagal ng halos isang oras ang sagupaan na ikinasawi ng tatlong bandido at isang sundalo.

Ayon kay Sobejana, nagpapatuloy ang pagtugis ng militar sa Abu Sayyaf, na pinaniniwalang may bitbit na mga bihag nang mangyari ang bakbakan.

“Our operating troops were also able to see the bandits dragging two bodies of their companions who appeared to be already lifeless. As we speak, skirmishes are still ongoing as our troops are going after the tracks of the withdrawing bandits,” ani Sobejana.

Ang mga sugatang sundalo ay dinala sa Camp Teofilo Busbos Hospital habang ang labi ng nasawing sundalo ay nasa military mortuary ng headquarters ng Joint Task Force Sulu.