NBA player James Harden, of the Houston Rockets, arrives at the NBA Awards at Basketball City at Pier 36 on Monday, June 26, 2017, in New York. (Photo by Evan Agostini/Invision/AP)
James Harden (Photo by Evan Agostini/Invision/AP)
LAS VEGAS (AP) — Ganap na star player si James Harden nang malipat sa Houston Rockets. Ngayon, handa na siyang magretiro na isang Rockets.

Mananatiling pundasyon sa kampanya ng Rockets ang 2017 MVP candidate matapos lumagda ng apat na taong ‘supermax’ extension nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Batay sa bagong kontrata, aabot sa US$228 milyon ang tatanggapin ni Harden sa susunod na anim na taon, sapat para maitala sa kasaysayan ng liga bilang pinakamalaking kontrata.

May nalalabi pang dalawang taon sa naunang limang taong kontrata si Harden na nagkakahalaga ng US$60 milyon.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

"Since he arrived in Houston, James has exhibited the incredible work ethic, desire to win, and passion to be the best that has made him one of the most unique and talented superstars in the history of the game," pahayag ni Rockets owner Leslie Alexander sa opisyal na pahayag na inilabas ng team management.

"Additionally, the commitment he has shown to our organization, the city of Houston, and Rockets fans all over the world makes him a perfect leader in our pursuit of another championship."

Bunsod ng kasunduan, nasa pangangalaga ng Houston si Harden hanggang 2022-23 season, maituturing na lifetime contract sa modernong financial landscape ng NBA. Higit pa sa minimithing seguridad sa kabuhayan ang nakamit ni Harden.

Naitala ni Harden ang pinakamatikas na kampanya sa kanyang career sa nakalipas na season. Sa pangangasiwa ni coach Mike D'Antoni, naitala ni Harden ang averaged 29.1 puntos, NBA-leading 11.2 assist at 8.1 rebound para pumangala sa MVP honor sa dating kasangga na si Russell Westbrook ng Oklahoma City.

"Houston is home for me," sambit ni Harden.

"Mr. Alexander has shown he is fully committed to winning and my teammates and I are going to keep putting in the work to get better and compete for the title."

Sa pangunguna ni Harden, nanumbalik ang katayuan ng Houston matapos ang masaklap na kampanya sa panahon ni big man Dwight Howard.

Umusad ang Rockets sa 55-27 sa regular season at ginapi ang Thunder sa first round ng Western Conference semifinals. Natalo ang Houston sa San Antonio Spurs sa conference Finals, sapat para mas palakasin ni GM Daryl Morey ang kanilang hanay para sa susunod na season.

Kinuha ng Rockets si All-Star point guard Chris Paul sa trade sa LA Clippers, gayundin ang rugged forward na si P.J. Tucker bago muling pinalagda ng kontrata si Brazilian star Nene.