Ni: Argyll Cyrus B. Geducos
Sa panayam sa Brigada News FM nitong Sabado ng umaga, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na nais ng Pangulo na panatilihin ang kasimplehan ng una niyang SONA noong nakaraang taon.
Sinabi rin ni Andanar na umaasa silang hindi magiging fashion show ang SONA ng Pangulo, gaya ng napansin ng mga tao sa mga nagdaang administrasyon.
Gayunman, sinabi ng Communications Secretary na kahit inaasahan nilang dadalo ang mga mambabatas nang naka-barong o Filipiniana o business attire, nasa Kongreso pa rin ang desisyon bilang ‘host’ ng nasabing event.
Una nang isiniwalat ni Andanar na nagsimula na ang pagpupulong ng Presidential Management Staff (PMS) para sa SONA.
Sinabi rin niya na ang talumpati ng Pangulo ay binubuo ng resulta ng mga pangako noong kampanya ng Pangulo, kabilang na ang resulta ng laban sa ilegal na droga at kurapsiyon.