Nina BELLA GAMOTEA at ng AP

Nakiisa ang Pilipinas sa 121 bansa sa pagtanggap at pagpapatupad ng kasunduan kaugnay ng pagbabawal sa paggamit ng nuclear weapon, kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Pinuri ni Philippine Permanent Representative to the United Nations Teodoro Locsin, Jr. ang nuclear prohibition treaty bilang hakbang sa tuluyang pagkawala ng pangkalahatang armas pang-nuclear na isinusulong ng Pilipinas sa United States.

“This treaty is the capstone of the global disarmament architecture. It strengthens the existing network of treaties and agreements already in place by reaffirming their collectively compelling logic of survival. We voted for its adoption because it is the right thing to do,” pahayag ni Locsin.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“The treaty fills the legal gap in the existing disarmament architecture that has already delegitimized chemical and biological weapons but not nuclear weapons, considered the most deadly of all weapons of mass destruction,” ayon sa DFA.

Sa ilalim ng kasunduan, pinagbabawalan ang States Parties na mag-develop, mag-test, gumawa, bumili, magkaroon o magtago ng mga armas pang-nuclear o iba pang nuclear explosive devices.

Bukod dito, mahigpit ding ipinagbabawal sa 122 bansa ang paggamit o pagbabanta gamit ang nuclear weapons at explosive devices.

Nitong Disyembre, inaprubahan ng U.N. member states ang isang resolusyon na nananawagan ng negosasyon sa isang kasunduan na magbabawal sa paggamit ng nuclear weapons, sa kabila ng matinding pagkondena mula sa nuclear-armed nations at sa kanilang mga kaalyado na tumangging makiisa sa usapan.

Ayon kay Elayne Whyte Gomez, president ng U.N. conference, nasa 129 na bansa ang lumagda upang makiisa sa kasunduan, na nagrerepresenta sa dalawa’t kalahati ng 193 member state ng U.N.

Ngunit binoykot ng lahat ng nuclear state at ng NATO members ang negosasyon maliban sa Netherlands.

“I am really confident that the final draft has captured the aspirations of the overwhelming majority of those participating in the conference, including civil society,” aniya.