INAASAHANG mas aangat ang kalidad ng kabayong ipanlalaban, gayundin ang aksiyon sa meta matapos ipahayag ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang paglalaan ng karagdagang P15 milyon sa programa ng mga karera.

Kasabay nito, sisimulan din ang implementasyon ng rating-based handicapping system na bunga ng pakikipagisa ng Philracom sa International Federation of Horseracing Authorities (IFHA).

Layunin ng pagiging miyembro ng IFHA ang pagsulong ng mas positibong regulasyon na naaayos sa pangangailangan ng mga horse owners, jockeys at mga tagasubaybay.

Ang dagdag na P15 milyon ang hahatiin sa mga pakarera ng tatlong racing club sa bansa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Mas tataas ang premyo sa pakarera sa Manila Jockey Club sa July 23, Aug. 13, Oct. 15, Nov. 26 at Dec. 17; sa Philippine Racing Club sa July 9, Aug. 20, Sept. 10, Oct. 1 at Dec. 24; gayundin sa Metro Turf sa Sept. 17, Oct. 29, Nov. 19, Dec. 10 at Dec. 31.

Isusunod ng Phulracom ang IFHA’s rating-based handicapping system matapos maging ika-31 miyembro ang bansa, kasama ang mga progresibong Argentina, Australia, Brazil, Canada, Chile, France, Germany, Great Britain, Hong Kong, Ireland, Italy, Japan, New Zealand, Peru, South Africa, United Arab Emirates, United States of America, South America, India, Korea, Macau, Malaysia, Panama, Puerto Rico, Scandanavia, Singapore, Turkey, Uruguay, Venezuela at Zimbabwe.

“These IFHA member countries are enjoying a boom in their respective horse-racing industries because of the rating-based handicapping system, and soon, we in the Philippines, will do too,” pahayag ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez.

“Our IFHA membership will ensure that Philippine racing will move towards globalization.”

Iginiit naman ni Philracom Commissioner Bienvenido Niles Jr. na ang pagiging miyembro ng IFHA ay magbibigay nang mas porgresibong programa para sa local races na inaasahang magpapataas sa revenues ng pamahalaan.

“Once we do this (rating-based handicapping), we can be sure that people will have confidence na ‘yung mga kabayo are safe to bet on, they’re healthy, walang gamot, competitive. They will know that the handicapping is balanced para the races will be exciting. I think if we can do that, ‘yung mga bettors natin will be happy,” aniya.