Ni: PNA

SINIMULAN nang ipatupad ng National Nutrition Council sa Davao Region ang proyektong “NutriKarinderya”, katuwang ang sampung karinderya bilang mga pioneer ng proyekto, at kinakailangang idetalye ng mga nasabing kainan sa publiko ang antas ng calorie mayroon sa pagkaing kanilang inihahain.

Ayon kay Dr. Maria Teresa Ungson, Davao Regional Nutrition Program coordinator, ang mga pagkaing ihahanda ng sampung karinderya, ay may label ng calorie count ang bawat ulam upang mamulat ang publiko sa nutrisyon ng kanilang kinakain.

“With viands labelled with calorie count, the consumer would know and be conscious,” ani Ungson.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Samantala, kahit na sila ang unang katuwang ng ahensiya sa pagpapatupad sa proyekto, sinabi ni Ungson na ipatutupad ito sa buong rehiyon.

Aniya, sabik ang mga may-ari ng mga karinderya dahil bukod sa bago ang proyekto ay may matututuhan din sila.

Target nila ang mga karinderyang patok sa lahat ng klase ng tao.

Layunin ng proyektong bumuo ng malusog na komunidad sa pamamagitan ng pagsusulong ng pagkaing makatutulong upang lumusog ang pangangatawan, ayon kay Ungson.

Binanggit din niya na ang 32.8 porsiyento ng matandang mamamayan ng Davao Region ay labis ang timbang o obese base sa survey na isinagawa ng National Nutrition Council noong 2013.

“We do not want to have sick people running our economy because this 30 per cent were in the workforce,” sabi ni Ungson.

Dagdag pa niya, nais nilang bumuo ng proyektong kasama ang mamamayan sa pagsusulong at pagpapatupad dahil mayroong mga nutritionist at dietitian sa rehiyon na makatutulong sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa food calories at iba pa.