Ni Dindo Balares

NAGBUNGA ang hilig sa pagsali sa pageants ng Kapampangan beauty na si Mary Ann Mungcal.

Second princess ng Silka Philippines 2016 ang pinakamataas na napanalunan niya bago siya tinanghal na Miss Global Philippines 2017 sa finals na ginanap sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila kamakailan.

Nakatunggali ang 20 iba pang beauties, naiuwi rin ni Mary Ann ang halos lahat ng special awards kasama ang Best in Swimsuit at Best in Long Gown.

Bianca Gonzalez na-pressure daw maging main host; Toni Gonzaga, mukha ng PBB

“This is my first national pageant win, I was surprised but happy,” masayang sabi niya nang makaharap ng reporters.

Pero ayon sa Miss Global Philippines 2016 na si Camille Hirro, malakas ang laban ni Mary Ann maging noong simula pa man.

“She was always so energetic , up early in the morning for the activities and always looking fresh,” sabi ni Camille na malakas din ang kutob na maaaring maiuwi ni Mary Ann ang Miss Global 2017.

“Miss Global has never had a winner from Asia,” sang-ayon ng reigning queen na si Angela Bonilla. “The Filipinos are very strong candidates, always in the Top 5, but no one from the region has brought home the crown.”

Artistahin si Mary Ann pero nakatuon ang atensiyon niya sa ngayon sa pagsungkit sa korona ng Miss Global. Bukod sa nais niyang maipagmalaki ng mga mahal sa buhay at mga Pilipino, gusto niyang maisulong ang kanyang adbokasiya sa pagtulong sa mga batang kapuspalad. Itong huli ang nagbibigay ng labis-labis na inspirasyon sa kanya.

Sasabak si Mary Ann sa Miss Global International sa Cambodia sa Oktubre katunggali ang 59 na iba pang beauties mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Tumutulong sa pagsasanay niya si Camille sa ilalim ng Kagandahang Flores.

Ayon kay Camille, malaking lamang ni Mary Ann ang pagiging photogenic pero dahil masyadong soft-spoken ay kailangan pa siyang sanayin ng husto para maipasa nang maayos ang question and answer portion.

“The training will help her. She will be the total package by then,” sabi ni Camille.