BAGONG Kathryn Bernardo ang napapanood ngayon sa Primetime Bida hit na La Luna Sangre bilang Malia. Marami ang lalo pang humanga sa kanyang martial arts moves na malayung-malayo sa dati na para siyang babasaging pinggan sa mga dati niyang roles.

Itinuturing ni Kathyn na ito na ang pinakamabigat at pinaka-challenging na role na kanyang ginampanan dahil kinailangan niya dumaan sa matinding training upang mabigyan ng hustisya ang role niya as Malia. Kung noon sa dating roles ay malamya, ngayon ay mas fierce at bolder ang young actress.

KATHRYN copy copy

Kaya hindi na kataka-taka na may tumatawag sa kanya ngayon bilang The Newest Primetime Action Queen, dahil mentally and physically ay pasado sa panlasa ng lahat ang kanyang pagganap bilang Malia. Paano namang hindi magiging astig, sumailalim ang dalaga sa combat trainings tulad ng pekiti tirsia kali at wushu bilang paghahanda sa kanyang action scences.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Sinadya ang pagtanggal sa soft side ni Kathryn bilang Malia, kaya pinag-aralan niya ang pekiti, isang fighthing style na may halong arnis. Nag-aral rin ang dalaga ng wushu na hanggang ngayo’y puspusan niyang sinasanay.

Nang ipakilala sa second week ng La Luna Sangre, napanood si Kathryn sa all out action scenes at stunts niya bilang bagong itinakda na si Malia. Mainit na naging usap-usapan ng netizens ang versality ni Kath na lalo pang uminit sa mga sumunod na episodes nang magampanan niya lahat ang timpla ng action, drama at comedy scenes.

Proud si Kath sa magagandang feedbacks at sa pagiging consistent na Twitter trending topic ng La Luna Sangre gabi-gabi. Na-sustain ng show ang mataas na 30 plus ratings simula unang Linggo hanggang ngayon.

Base sa Kantar National TV Ratings, pumalo sa 34.8% ratings ang episode noong July 3. Noong Martes July 4, 35.9% National ratings, 32.8 sa Urban, 39.3 sa Rural, 29.8 Mega Manila at 35.3 sa Metro Manila. Pumalo naman ng 34% sa National, 33% sa Urban, 35% Rural at 28.2 sa Mega Manila at 32.7% sa Metro Manila ang ratings noong July 5.

Hindi lang sa free television umaani ng tagumpay ang serye kundi maging sa ABS-CBN content platform na iWant TV na ito na ang most watched program. Sa dalawang linggo ng La Luna Sangre, tinanghal ito bilang Most Popular Show sa iWant TV chart dahil agad umabot sa 2.5 million views.