NAGING busy ang buwan ng Hunyo para sa Kapuso stars na game na game na nagpasaya ng fans sa iba’t ibang festivals at mall shows nationwide.

Cast ng Mulawin vs Ravena sa Tacloban copy

Nagtungo ang mga bida ng katatapos lang na Legally Blind na sina Janine Gutierrez at Mikael Daez sa Cebu noong June 3 para sa back-to-back Kapuso Mall Show sa Gaisano Capital South at Gaisano Capital Island Mall. Kasama nilang nagpakilig ang kanilang co-stars na sina Rodjun Cruz at Lauren Young.

Ang all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff naman ang naghatid ng saya sa mga Kapusong Pangasinense sa araw ring iyon. Pinangunahan ni Boobay at ng Kapuso boy band na One Up ang pagbibigay-tuwa sa mga nanood sa Magic Mall Tayug.

Trending

Proud mom na ‘umawra, rumampa’ sa graduation ng anak, dinagsa ng tulong!

Celebrity Bluff sa Pangasinan, kasama si Boobay ang Kapuso boy band na One Up copy

Samantala, nakiisa naman ang cast ng Mulawin vs Ravena (MvR) sa Silay Charter Day sa Bacolod noong June 12. Ang hottest young stars na sina Bea Binene, Derrick Monasterio, Kiko Estrada, Bianca Umali, at Miguel Tanfelix ang nagtanghal sa Kapuso Fiesta na ginanap sa Public Plaza sa Silay City. Si Migo Adecer ang naging host sa naturang event. Kasalukuyang napapanood si Migo as Yuan sa My Love From The Star (MLFTS).

Mula Bacolod, nagtungo si Migo sa Iloilo noong June 17 kasama ang Matteo Do ng Pilipinas na si Gil Cuerva para i-promote MLFTS. Ang mga Kapusong Ilonggo na sumugod sa Festive Walk sa Iloilo Business Park, hindi napigilang kiligin nang makita ng personal ang newest Kapuso Heartthrob na si Gil.

Sweet na sweet din ang tandem nina Sanya Lopez at Rocco Nacino nang gabing iyon. Fresh mula sa successful run ng Encantadia, pinatikim ng Kapuso love team ang kanilang fans ng mga dapat abangan sa bagong drama series na Haplos na mapapanuod na sa July 10.

Nagpunta naman ang cast ng MvR sa Pangasinan noong June 20 upang makiisa sa pagdiriwang ng Dagupan City Charter Anniversary. Sumakay sa Kapuso Float ang MvR stars na sina Valerie Concepcion, JC Tiuseco, David Licauco, at TJ Trinidad kasama sina Sanya at Rocco.

Lumipad din ang MvR stars sa Tacloban City, Leyte noong June 22. Kasama nina Derrick, Kiko, Bianca at Miguel ang kanilang co-stars na sina Martin del Rosario at Dion Ignacio sa Robinson Place Tacloban para sa isang Kapuso Mall Show. Nakiisa pa ang mga Kapuso stars sa isang tree-planting activity habang nasa Tacloban sila.

Noong June 23, pinakilig naman nina Sanya, Rocco, at Pancho Magno ang kanilang fans sa isang Kapuso Mall Show sa CSI Mall sa Tayug, Pangasinan. Nagsilbing host sa nasabing mall show si Marika Sasaki.