VATICAN (AFP) -- Sinabi ng Vatican nitong Sabado na ang tinapay na walang lebadora na ginagamit sa pagdiriwang ng Eukaristiya sa mga misa ng Katoliko ay maaaring gawa sa genetically modified organisms (GMO), ngunit hindi maaaring buong gluten-free.

Pinapayagan ang low-gluten hosts basta’t ang wheat ay mayroong sapat na gluten upang mabuo ang tinapay nang hindi gumagamit ng additives o iba pang “foreign materials”.

Sinabi ni Cardinal Robert Sarah ng Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments ng Vatican na kailangan ang guidance dahil ang Eucharistic bread at wine ay mabibili na ngayon sa supermarkets at maging sa internet.

Sa liham na inilabas noong nakaraang buwan, pinaalalahanan din ni Sarah ang mga obispo na ang ostiya ay dapat na ginawa ng mga taong “distinguished by their integrity” — at “grave abuse” ang pagdagdag ng prutas o asukal.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

“It is altogether forbidden to use wine of doubtful authenticity or provenance,” dagdag niya.

Ngunit para sa mga taong hindi kayang uminom ng wine, ikinokonsidera ang mustum, malapot at non-fermented na grape juice, na “valid matter” para sa sakramento, na pinaniniwalaan ng mga Katoliko na ang tinapay at alak ay nagiging katawan at dugo ni Kristo.