WAGING-WAGI na naman ang GMA Network sa nationwide ratings game dahil sa mga programa nitong inaabangan mula Lunes hanggang Linggo.
Ayon sa data mula sa Nielsen TV Audience Measurement, winner ang GMA sa kabuuan ng Hunyo sa nakuhang 42.3 percent average total day people audience share na mas mataas sa 37.6 percent ng ABS-CBN. Sa Urban Luzon naman, 49.2 percent ang nakuha ng GMA na lamang sa kabilang istasyon ng 18 points.
Tutok na tutok ang mga manonood gabi-gabi mula sa paglaki ng mga karakter nina BiGuel at DerBea sa Mulawin vs Ravena na pinagbibidahan ni Dennis Trillo, na sinundan ng nakakakilig na chemistry nina Steffi at Matteo sa My Love From The Star, hanggang sa araw ng pagpili ni Billie sa kanyang ka-Meant To Be.
Samantala, mas marami pang viewers ang patuloy na nahu-hook sa maiinit na eksena nina Sunshine Dizon at Ryza Cenon sa Ika-6 Na Utos.
Panalo rin sa ratings ang mga programang napapanood linggu-linggo na kinapupulutan ng aral at inspirasyon ng mga bata at nakatatanda tulad ng Daig Kayo ng Lola Ko, Pepito Manaloto, at Magpakailanman.
Lalo ring namayagpag sa ratings ang primetime news program na 24 Oras na inihahatid nina Mel Tiangco, Mike Enriquez, at Vicky Morales, kasama si Iya Villania-Arellano; ganoon din ang Kapuso Mo, Jessuica Soho na inaabangan at pinag-uusapan tuwing Linggo ng gabi.
Dahil sa espesyal na mga kuwentong tampok linggo-linggo, patuloy ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa pangunguna sa listahan ng mga pinakapinapanood na Kapuso programs sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM). Ito rin ang nanguna sa listahan ng top programs sa Urban Luzon, kung saan 9 out of the top 10 shows ay mula sa GMA.