NAGKAKAISA ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan para sa implementasyon ng Children’s Game ng Philippine Sports Commission (PSC) sa buong bansa.

Umayuda ang Department of Education, Commission on Higher Education, Department of Health, DILG, DND, PNP at Presidential Management Staff Office para maisulong ang programa sa mga lalawigan.

Sinabi ni Asst. Secretary Tony Umali ng DepEd na maglalabas ang ahensiya ng memorandum para utusan ang lahat ng guro at mga estudyante na makiisa sa programa.

“We recognize the role of the PSC to lead the country in the area of sports. On behalf of the 2.2 Million public and private school students, you have our support,” aniya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Iginiit naman ni Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na napapanahon ang programa upang madagdagan ang mga

Gawain ng kabataan at makaiwas sila sa anumang bisyo higit sa ipinagbabawal na gamot.

“Since nationalism and community service which are the objectives of the NSTP course in the university level, I think they would be ideal as a part of this project which also has the same sights” pahayag naman ni Engr. Ronaldo Liveta ng CHED.

Ikinatuwa ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez ang mabilis na pagtugon ng mga ahensiya ng pamahalaan sa isinusulong na grassroots sports program ng PSC na kamakailan lamang ay inayudahan din ng UNESCO.

“It is very heartening to get the support of our colleagues in the government service. Mas lumaki ang trabaho, pero masaya ako na mas lalalim ang serbisyo sa mga tao,” aniya.

Kabilan din sa dumalo sa pagpupulong nitong Huwebes sina Asst. Secretary Antonio Bautista ng Department of National Defence, Director Marlo Guanzon ng Department of Interior and Local Government, Division Chief Edna Nito ng DOH at PMS Dir. Victor Lorenzo of the PMS.