Ni: Czarina Nicole O. Ong

May mga bagong kasong kahaharapin si dating Caloocan City Mayor Enrico Echiverri matapos siyang muling sampahan ng dalawang kasong graft sa Sandiganbayan First at Second Divisions kaugnay ng umano’y maanomalyang proyekto sa drainage system at streetlight sa siyudad noong 2011 hanggang 2013.

Batay sa sinulat na charge sheet ni Graft Investigation at Prosecution Officer III Sylvia A. Severo-Paraiso, nilabag ni Echiverri ang Section 3(e) ng R.A. 3019, kasama sina dating City Accountant Edna Centeno at City Budget Officer Jesusa Garcia, na nahaharap din sa mga kaso ng palsipikasyon.

Oktubre 2011 nang paboran umano ng tatlo ang P.B. Grey Construction sa P8,081,052.38 halaga ng kontrata para sa pagsasaayos ng mga kalsada at kanal sa Phase 6, Green Valley, Barangay 178, Caloocan City nang walang pahintulot ng Sangguniang Panglungsod.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

At mula Disyembre 20, 2011 hanggang Abril 17, 2013 ay muli umanong nagkaroon ng kaparehong anomaly, na ang St. Gabriel Builders naman ang sinasabing pinaboran sa halagang P3,450,782.36.

May iba pang mga kaso ng graft na una nang naisampa laban kay Echiverri.