psc copy

LONDON (AP) — Sa edad na 37-anyos, mistulang ‘teen-killer’ si Venus Williams sa Wimbledon.

Ginapi ni Williams ang 19-anyos na si Naomi Osaka ng Japan, 7-6 (3), 6-4, nitong Biyernes (Sabado sa Manila) para makausad sa fourth round – pinakamatandang player mula nang magawa ni Martina Navratilova na makalaro sa sa fourth round noong 1994.

“I’ve had to step it up. I imagine that’s going to continue,” sambit ni Williams. “All I can do is try to be my best.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ito ang ika-20 paglalaro sa grass-court major ni Williams, kampeon dito sa limang pagkakataon.

Sunod niyang makakaharap ang isa pang 19-anyos na si Ana Konjuh ng Croatia. Ang 27th-seeded na si Konjuh ay nagwagi kay 2014 Australian Open runner-up Dominika Cibulkova 7-6 (3), 3-6, 6-4.

Umusad din sina French Open champion Jelena Ostapenko, No. 2-seeded Simona Halep, No. 4 Elina Svitolina, No. 6 Johanna Konta, No. 21 Caroline Garcia and two-time Australian Open champion at dating No. 1 Victoria Azarenka.