Ni: Nitz Miralles
NABASA namin ang post sa Facebook ng pagpapaalam ni Super Teklah sa Wowowin at nagpasalamat siya kay Willie Revillame. So, hindi totoong suspended lang ang komedyante, tsugi na talaga siya.
“My journey in Wowowin is totally ended!!! Wala akong hinanakit sa puso ko, bagkus lubos akong nagpapasalamat kung Kuya Wil sa narating ko at sa change na binigay niya sa akin. Marami akong natutunan, lalung-lalo na inilapit niya ako sa ‘masa’. Buong buhay lilingunin ko pambihirang pagkakataon na binigay niya sa akin at ng programang Wowowin...
Sana po patuloy kayong sumuporta sa programang ito!!! In God’s will na rin po siguro kung bakit nagwakas ang journey ko para magbukas ng panibagong yugto ng buhay ko.
“Maraming salamat sa halos isang taong pagsubaybay sa akin. Huwag po kayong malungkot lahat ng mga fans, supporters at mga naniniwala sa talentong naibahagi ko sa bawat Pilipinong Kapuso saan mang sulok ng mundo!!! Mahal na mahal ko kayo hangga’t nandiya kayo di po ako mapapagod maghatid ng ngiti, saya!! Kung iaalis mo ang poot at galit sa puso mo pagpapalain ka ng Diyos. Maraming salamat, Boss Wil! More power, Wowowin. God bless us all!!! At sa lahat ng Kapusong nagmamahal sa programang Wowowin saan man sa mundo!!!”
Hindi binanggit ni Teklah kung bakit naalis siya sa Wowowin, hindi tuloy nakumpirma kung totoong lumaki ang ulo niya, na nagre-report siya sa taping na inaantok dahil nagpupuyat sa casino. Lahat nanghinayang sa chance na ibinigay ni Willie at ng Wowowin kay Teklah na parang hindi naman yata nito pinahalagahan.