Ni: Liezle Basa Iñigo

SAN CARLOS CITY, Pangasinan - Isang drug personality na nasa drug watch list ang pinatay ng riding-in-tandem sa Barangay San Pedro-Taloy sa San Carlos City, Pangasinan.

Sa ulat na ipinadala ng San Carlos City Police sa Pangasinan Police Provincial Office, nakilala ang biktimang si Manuel Erquiza, alyas “Katat”, 33, ng Bgy. Bugallon-Posadas.

Dakong 4:20 ng hapon nitong Huwebes at patungo sa gotohan si Erquiza nang tapatan at barilin ng tandem.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?