Ni: Lyka Manalo

BATANGAS - Bilang pagkilala sa sakripisyo at dedikasyon sa tungkulin, ipagkakaloob ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas ang mga benepisyo, tulad ng health at accident insurance, sa mga tauhan ng Disaster Response Operations.

Sinabi ni Gov. Hermilando Mandanas sa kanyang pagharap sa mga miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) kamakailan, na nakalatag na ang programa para sa mga benepisyo ng rescue workers ng lalawigan.

Bukod sa insurance ay pagkakalooban din ng scholarship, mula senior high school hanggang kolehiyo, ang mga anak ng mga rescue worker.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?