Ni: Liezle Basa Iñigo

Isang estudyante ng College of Medicine ang namatay sa pagkalunod sa Pinacanuan River sa Barangay Aggugaddan, Peñablanca, Cagayan.

Kinilala ang biktimang si Arvin Ian Galiza, 22 , second year college student ng Cagayan State University sa Tuguegarao City, at residente ng Sto.Tomas, Isabela.

Ayon sa imbestigasyon, nagtungo si Galiza at tatlong iba pa sa ilog upang mag-picnic bago nagsilangoy nitong Huwebes, ngunit hindi na umahon si Galiza.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van