Ni DINDO M. BALARES
MAGSASAMA sa kauna-unahang pagkakataon bilang hosts ang parehong mahusay, premyadong emcee at mag-amang Edu at Luis Manzano ng star-studded na pinakaunang Entertainment Editors Awards for Movies, tatawaging The Eddys, na gaganapin sa Kia Theater, bukas, Linggo, Hulyo 9, simula alas-otso ng gabi.
Sasamahan sila sa stage ng iba pang mga sikat at mahuhusay na artista para magtanghal sa buong gabi na sadyang inilaan upang kilalanin ang pinakamalikhain at pinakamahuhusay na mga manggagawa sa pelikulang Pilipino.
Sina James Reid at Nadine Lustre ang magbubukas ng show, kasunod sina Ella Cruz at Julian Trono, at Yassi Pressman at Arjo Atayde sa kani-kanilang musical numbers.
Magiging presentor ng awards sina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi na bida sa upcoming Rated A movie na Kita Kita; AJ Mulach at Phoebe Walker; Sarah Lahbati at Richard Gutierrez; Edward Barber at Maymay Entrata; JC Santos at Bela Padilla; Elmo Magalona at Janella Salvador; at Cristine Reyes at Jodi Sta. Maria, at maraming iba pa.
Mula sa script ni Nash Torres at direksiyon ni Arnel Natividad, ang Eddys Awards ay production of Viva Live.
Inihayag ng grupo ng Entertainment Editors ang mga nominado para sa 1st Eddys movie awards nitong nakaraang buwan.
Ang Eddys ay binuo ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), na isang non-stock, non-profit organization ng entertainment editors ng mga pangunahing broadsheets at tabloids sa bansa. Layunin ng grupo na makapagbigay ng inspirasyon sa mahuhusay na Pinoy filmmakers, producers, writers, actors at iba pang katuwang na mga alagad ng sining sa Philippine movie industry na lalo pa nilang pagningasin ang kanilang pagmamahal sa paglikha ng mga pelikula na sumasalamin sa mga nagaganap sa ating lipunan.
Ang mga miyembro ng SPEEd ay sina Isah V. Red ng Manila Standard; Eugene Asis ng People’s Journal; Jojo Panaligan ng Manila Bulletin; Ian Farinas ng People’s Tonight; Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon; Gie Trillana ng Malaya Business Insight; Dondon Sermino ng Abante; Tessa Mauricio-Arriola ng Manila Times; Dindo Balares ng Balita; Dinah Ventura ng Daily Tribune; Rito Asilo ng Philippine Daily Inquirer; Ervin Santiago ng Bandera; Maricris Nicasio ng Hataw; Jerry Olea ng Abante Tonight; Rohn Romulo ng People’s Balita, at advisor si Nestor Cuartero ng Tempo.
Naririto ang mga nominado:
BEST FILM
Pamilya Ordinaryo
Ang Babaeng Humayo
Everything About Her
Saving Sally
Die Beautiful
BEST DIRECTOR
Jun Robles Lana (Die Beautiful)
Lav Diaz (Ang Babaeng Humayo)
Avid Liongoren (Saving Sally)
Joyce Bernal (Everything About Her)
Eduardo Roy, Jr. (Pamilya Ordinaryo)
BET ACTRESS
Hasmine Killip (Pamilya Ordinaryo)
Jaclyn Jose (Ma’Rosa)
Vilma Santos (Everything About Her)
Rhian Ramos (Saving Sally)
Charo Santos (Ang Babaeng Humayo)
Nora Aunor (Tuos)
Ai Ai delas Alas (Area)
BEST ACTOR
Daniel Padilla (Barcelona: A Love Untold)
Paolo Ballesteros (Die Beautiful)
Enzo Marcos (Saving Sally)
Dingdong Dantes (The Unmarried Wife)
Ronwaldo Martin (Pamilya Ordinaryo)
BEST SUPPOTING ACTRESS
Barbie Forteza (Tuos)
Aiko Melendez (Barcelona)
Maria Isabel Lopez (Pamilya Ordinaryo)
Angel Locsin (Everything About Her)
Gladys Reyes (Die Beautiful)
BEST SUPPORTING ACTOR
Joel Torre (Die Beautiful)
Christian Bables (Die Beautiful)
John Lloyd Cruz (Ang Babaeng Humayo)
Xian Lim (Everything About Her)
Moira Lang (Pamilya Ordinaryo)
BEST ORIGINAL STORY
Pamilya Ordinaryo
Everything About Her
Saving Sally
Ang Babaeng Humayo
Die Beautiful
BEST SCREENPLAY
Pamilya Ordinaryo
Everything About Her
Saving Sally
Ang Babaeng Humayo
Die Beautiful
BEST CINEMATOGRAPHY
Pamilya Ordinaryo
Everything About Her
Saving Sally
Seklusyon
Die Beautiful
BEST MUSIC DESIGN
Saving Sally
Die Beautiful
Everything About Her
Ma’Rosa
The Unmarried Wife
BEST PRODUCTION DESIGN
Pamilya Ordinaryo
Everything About Her
Saving Sally
Ang Babaeng Humayo
Die Beautiful
Seklusyon
BEST SOUND DESIGN
Pamilya Ordinaryo
Everything About Her
Saving Sally
Ang Babaeng Humayo
Die Beautiful
BEST EDITING
Pamilya Ordinaryo
Ma’Rosa
Everything About Her
Saving Sally
Die Beautiful
BEST THEME SONG
Everything Refuses to Move by Hannah and Gabi (Saving Sally)
SPECIAL AWARDS:
Joe Quirino Award: Boy Abunda
Manny Pichel Award: Lav Diaz
Most Active Producer of the Year: Lily Monteverde ng Regal Films