Donal at Jade copy

Ni: Entertainment Tonight

NAG-POST ang 51 anyos na aktor ng throwback photo niya kasama ang 16 taong gulang na anak na si Jade, upang isapubliko ang panawagan sa anak na umuwi na.

“Jade, c’mon home, you sweet, beautiful, soul,” caption sa naturang larawan. “We love and miss you dearly.”

Trending

Proud mom na ‘umawra, rumampa’ sa graduation ng anak, dinagsa ng tulong!

Nauna nang ipinahayag ni Logue na nawawala si Jade noong Hunyo 27 sa New Yorks Barclay Center. Simula noon, nanawagan siya at ang kanyang ex-wife na si Kasey Smith, na umuwi na ang anak.

Sa isang post ni Logue ngayong buwan, nagmakaawa ang ama na umuwi na ang anak at “no questions asked.”

“You may have had good intentions to help her, but I’m sure you realize that this situation is bigger than you could’ve anticipated. It’s okay. Just drop her off,” sabi niya. “Let her get back in touch with her mother, Kasey, or me – we’ll take her back, with hugs and no questions asked.”

Nananawagan na rin ang NYPD sa publiko na tulungan ang pamilya ni Jade sa paghahanap kay Jade.