Ni: Light A. Nolasco
NUEVA ECIJA - Dalawang suspek sa rape ang nasakote ng mga awtoridad sa magkahiwalay na manhunt operation sa dalawang bayan sa Nueva Ecija, nitong Miyerkules.
Ayon sa ulat na nakalap sa tanggapan ni Senior Supt. Antonio C. Yarra, director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, unang naaresto ng tracker team ng Guimba Police si Glicerio Nino y Sanuya, 52, may asawa, ng Barangay Villarosa, Licab, sa operasyon sa Bgy. Saranay sa Guimba, bandang 1:10 ng hapon.
Sumunod na naaresto si Jayson Mina y Navarro, 26, binata, ng Bgy. Bantug, Science City Muñoz, na dinakip dakong 9:00 ng umaga sa kasong rape na may paglabag sa Anti-Child Abuse Law.