Ni: Beth Camia
Ito ang inihayag ng grupong Karapatan matapos pagkalooban ni Pangulong Duterte ng pardon ang 10 political prisoner.
Ayon kay Karapatan Secretary General Tinay Palabay, nakalabas na sa New Bilibid Prison (NBP) ang sampu nitong Huwebes ng gabi matapos matanggap ang presidential pardon.
Kabilang sa mga pinalaya sina National Democratic Front (NDF) consultant Emeterio Antalan, Ricardo Solangon, Joel Ramada, Apolonio Barado, Jose Navarro, Generoso Rolida, Arnulfo Boates, Manolito Matricio, Josue Ungsod, at Sonny Marbella.
Ang release papers ng sampu, na karamihan ay nakulong dahil sa kasong murder, ay dinala ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa opisina ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.
Kasama sa mga kondisyon ang regular na pagre-report sa parole at probation officers, at pag-iwas na makagawa ng iba pang krimen, at ibang pang mapaminsalang asal.