Ni: Gilbert Espeña
NAKAMIT ni one-time world title challenger Jethro Pabustan ang bakanteng WBO Asia Pacific bantamweight belt na magbabalik sa kanya sa world rankings matapos talunin sa 7th round technical decision ang Hapones na si Tatsuya Takahashi kamakailan sa Tokyo, Japan.
Nagwagi sa mga iskor na 67-65, 67-66, 67-67 sa tatlong hurado si Pabustan matapos itigil ang laban sanhi ng mga sugat sa dalawang kilay ni Takahashi kaya napaganda ng Pilipino ang kanyang kartada sa 29-4-6 na may 9 panalo sa knockouts.
“The first round saw Jetro display a jet-propelled opening attack with fast and ferocious southpaw lefts that almost stunned the taller but stiff Japanese, which really impressed the crowd,” ayon sa ulat ng Fightnews.com. “Jetro accelerated his attack in the fifth and sixth to terminate the affair with furious combos. But it wasn’t he but the third man that halted the game—due to Takahashi’s deteriorated cuts.”
Minsan nang napalaban si Pabustan para sa WBO bantamweight belt pero natalo via 7thround technical decision sa dating kampeong si Phuengluang Sor Singyu ng Thailand noong Pabrero 2016 kaya umaasang muling mapapasabak sa world titler bout.