LOS ANGELES (AP) – Pangangasiwaan ni dating NBA coach at sports analyst Jeff Van Gundy ang U.S. men's basketball team sa qualifying ng 2019 Basketball World Cup, ayon sa USA Basketball nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Gagabayan niya ang koponan na binubuo nang mga player mula sa NBA G-League sa FIBA AmeriCup sa Nobyembre.

Si San Antonio coach Gregg Popovich ang napili namang mag-coach sa Americans sa World Cup at sa 2020 Olympics. Ang World Cup na gaganapin sa China ang qualifier para sa Tokyo Olympics.

"Qualifying for the 2019 FIBA World Cup is the first step in our attempt to repeat as gold medalist, and we're delighted that we were able to secure a coach of Jeff's caliber to lead these USA teams," pahayag ni USA Basketball managing director Jerry Colangelo.

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

Hawak ni Van Gundy ang record 430-318 bilang coach ng New York Knicks at Houston Rockets. Nagabayan niya ang Knicks sa 1999 NBA Finals.