Ni Jerome Lagunzad

Paras at Ravena, bagong mukha ng PH basketball sa Jones Cup.

PINAGSAMANG karanasan at kabataan ang karakter ng Team Philippines Gilas na sasabak sa 39th R. William Jones Cup na magsisimula sa Hulyo 15 sa Taipei Peace International Basketball Hall sa Taiwan.

GILAS copy copy

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Nabuo mula sa ilang linggong tryouts, kabilang sa Nationals ang mga miyembro ng Gilas cadets at pamosong amateur tulad nina Kiefer Ravena, Ray Parks at Kobe Paras.

Maliban sa nagiisang import sa katauhan ng 6-foot-8 American na si Mike Myers, all-Pinoy ang komposisyon ng Gilas sa 10-team, nine-day tournament kumpara sa isinabak na Mighty Sports sa nakalipas na taon.

Target ng Pinoy na makamit ang ikaanim na titulo sa liga kontra sa matitikas na club team sa Asya, sa pangunguna ng Continental powerhouse at five-time Jones Cup champion Iran.

Sa kabila ng pagkawala nina dating NBA player Hamed Haddadi at Samad Nikkha Barahmi, ang Iran ang itinuturing liyamado, higit at nasa line-up ang mga higanteng sina 7-footer Keyvan Reaei, 6-11 Ebrahim Beigiharchegani at anim na players na may taas na 6-foot-8.

Hindi rin mababalewala ang Koreans na pangungunagan nina 2014 FIBA World Cup veteran 6-foot-9 Kim Jong-kyu at Kim Sun-hyung, 6-foot-7 forwards Lee Seung-hyun at Oh Se-keun.

Mapapanood naman ang European style basketball sa pagratsada ng Lithuanian pro club Atletas All-Star, ang koponan na pinaglaruan ni dating NBA All-Star at long-time Cleveland Cavaliers center Zydrunas Ilgauskas at kasalukuyang New Orleans Pelicans forward Donatas Motiejunas.

Isasabak ng host country Taipei ang dalawang koponan na sasandigan ng naturalized player na si Quincy Davis at pony-tailed center Tseng Wen-Ting, sasabak sa Blue Team at 6-foot-10 American import Kyle Barone sa White Team.

Masusubok ang Gilas Pilipinas sa opening game kontra Team Canada 150 na pinangangasiwaan ni dating Canadian national team player Kyle Julius.

Kabilang din sa liga ang India, sa pangunguna ng 6-foot-8 Amjyot Singh, Japan at Iraq.