Ni: Mary Ann Santiago

Kinondena ng Vietnamese Embassy sa Manila ang pamumugot ng Abu Sayaff Group sa dalawa nilang mamamayan sa Basilan, kamakalawa.

Sa isang kalatas, iginiit ni Ly Quoc Tuan, ambassador ng Vietnam sa Pilipinas, na dapat na mapatawan ng kaukulang parusa ang bandidong grupo.

“Vietnam strongly condemns all acts of kidnap and barbaric, inhumane killing. We hold that these acts must be properly punished,” ani Tuan.

Pelikula

'Beauty Contis' magkasama na sa Hanoi

Natagpuan ang mga pugot na bangkay nina Hoang Tong at Hoang Va Hai sa Barangay Tumahubong, Sumisip dakong 5:40 ng madaling araw nitong Miyerkules. Kabilang sila sa anim na tripulante ng M/V Royal 16 Vietnamese cargo vessel na dinukot ng ASG noong Nobyembre 11, 2016 sa karagatan ng Sibago Island, Basilan.