DALLAS (AP) — Hindi pa panahon para isabit ni Dirk Nowitzki ang kanyang jersey.

Lumagda ng bagong dalawang taong kontrata ang beteranong German sa halagang US$10 milyon upang muling pangunahan ang kampanya ng Dallas Mavericks.

Ang nilagdaan ng 20-year veteran at one-time MVP ay pareho sa kanyang kontrata sa nakalipas na season, ngunit mas mababa kumpara sa US$50 milyon na kanyang nakuha.

Gaano man ang haba nang pagiging aktibo ni Nowitzki, sigurado na ang kanyang lugar sa kasaysayan ng NBA. Ang future hall-of-famer ang gumabay sa natataging kampeonato ng Mavs noong 2011 kung saan tinanghal din siyang Finals MVP. Ang 7-footer shooting forward ang tanging foreign-born player na nakapagtala ng 30,000 career points sa liga na naitala niya sa nakalipas na season.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad