Ni: Liezle Basa Iñigo
Dead on the spot ang isang magka-live-in makaraang hagisan ng granada ang kanilang bahay sa Barangay Vira sa Roxas, Isabela.
Madaling araw ng Miyerkules nang mabulabog ang mga residente sa malakas na pagsabog na ikinamatay nina Bernard Teel, 24, obrero; at Lorna Lita Guiao, 17, service crew, tubong Angadanan, Isabela, at parehong naninirahan sa Bgy. Vira sa Roxas.
Ayon kay SPO2 Joey G. Vallejo, mahimbing ang tulog ng dalawa dakong 12:43 ng umaga nang hagisan ng granada ng hindi nakilalang lalaki ang kanilang bahay.
Pinaniniwalaang may kinalaman ang insidente sa umano’y nakaalitan ni Teel kamakailan.