Miguel at Bianca copy copy

ISA sa mga kumukumpleto sa gabi ng Kapuso viewers ang nakakawindang na mga tagpo sa Mulawin vs Ravena lalo na ang napakaraming paghamon sa love story nina Pagaspas (Miguel Tanfelix) at Lawiswis (Bianca Umali).

Kaya numero unong kinaiinisan ngayon ang karakter ni Dion Ignacio na si Siklab na pilit humahadlang kay Pagaspas na ang tanging gusto lang naman ay maging malaya ang pagmamahalan nila ni Lawiswis.

Marami na ang nagagalit kay Siklab na ipinagpipilitang sila ni Lawiswis ang nakatakdang magsama forever. Inaabangan kung magagawa nga kayang ipagtanggol ni Pagaspas si Lawiswis. Ito at ang pagtutuklas ni Almiro (Derrick Monasterio) na isa nang Mulawin ang dalawa sa mga tinututukan gabi-gabi sa Mulawin vs Ravena.
Lifehacks

PAALALA: Sumakses na umiwas sa mga plastik!