HUWAG palampasin ngayong Sabado ang walang katapusang mga hugot.
Bibisita sa kusina ng Asia’s Songbird ang Kapuso Drama King at Mulawin vs Ravena lead star na si Dennis Trillo.
Makikigulo rin sina Boobay at Inday (Teri Gian).
Umasa ka ba pero na-friend zone ka lang? Na-try mo na bang umibig sa siyota ng iba? Eh, ‘yung lokohin ng taong mahal mo? Pero sa kabila ng lahat, nanalo pa rin ang tibok ng puso mo. Kasama kaya ang paborito mong kanta sa Top 5 Hugot songs ng Sarap Diva?
Kung nagutom ka sa kuwentuhan, may ihahandang BBQ Braised Pork si Regine Velasquez para sa lahat.
Tutukan ang lahat ng ‘yan ngayong Sabado (Hulyo 8) sa Sarap Diva pagkatapos ng Maynila sa GMA.