Ni: Jerome Lagunzad

BATA ang katauhan, ngunit beterano sa labanan.

Ito ang katangian na sasandigan kay tennis protégée Alberto ‘AJ’ Lim sa kanyang pagsabak sa tennis event ng 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto.

LIM copy copy

EXCLUSIVE: National Artist Ricky Lee, idinetalye theatrical adaptation ng ‘Para Kay B’

Pinalitan ng 18-anyos na si Lim, beterano sa international junior netfest, ang beteranong Fil-Am na si Treat Huey.

Bago napiling kapalit sa nakalipas na linggo, sumasailalim ang junior standout sa dalawang buwang pagsasanay kay three-time SEA Games singles play gold medalist Cecil Mamiit sa Los Angeles, California.

Nakatakda ang SEA Games sa Agosto 19-30.

“So far, AJ is doing good, according to Cecil,” pahayag ni Albert Sr., ama ni Lim. “Alam niya (AJ) kasi na kung dito lang siya sa Manila magti-training, walang mangyayari na mas maganda. Mabuburo lang siya dito kumbaga.

“Hindi niya makakalaban dito ‘yung mas magagaling na players. Besides, iba rin naman kasi ‘yung training sa Pilipinas, iba rin ‘yung training dun sa ibang bansa,” aniya.

Sa kasalukuyan, si Lim ang mukha ng Philippine junior tennis.

Ngunit, malaking puwang ang iniwan ni Huey na kailangang punan ni AJ.

Nakopo ni Huey, tanging netter na nagwagi ng gold medal sa 2015 Singapore SEA Games sa Singapore, ang ilang tagumpay sa Tour at mas piniling sumabak sa US Open sa August 28 hanggang Sept. 10, sa kagustuhang makakuha nang karagdagang ranking points sa Association of Tennis Professionals (ATP).

Makakasama ni AJ sa layuning makapag-uwi ng medalya sa biennial meet sina veteran Ruben Gonzales, Francis Casey Alcantara, Jeson Patrombon, Khim Iglupas, Katharina Lehnert, Anna Clarice Patrimonio at Dennise Dy.