Ni: Mina Navarro

Hinarang ng mga Immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 9 na Indian na nagtangkang pumasok sa bansa gamit ang mga pekeng visa at mga travel document.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, inaresto ang mga Indian, na pawang may pekeng visa at iba pang huwad na dokumento, sa NAIA terminal 3 sa kanilang pagdating sakay sa Cathay Pacific flight mula sa Hongkong kamakalawa.

Kinilala ang mga Indian na sina Chinchorkar Udayan Raju, Surjit Singh, Kari Ram Kiran, Tandel Gatiraj narsinhbhai, Jaspreet Singh, Gore Chetan Vinod, Toppo Clinson Christophar, Varinder Singh at Amandeep Singh.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Sinabi ni Morente na agad hinarang ang mga Indian at nagpa-book ng available flight upang pabalikin ang mga ito sa kanilang pinanggalingan.

“I have also ordered their inclusion in our blacklist because they are undesirable aliens who blatantly violated our laws by using spurious immigration documents in trying to enter our country,” ayon sa BI chief.