Ni: Leandro Alborote

SAN JOSE, Tarlac – Limang katao ang nasugatan makaraang magkabanggaan ang isang motorsiklo at isang tricycle sa Sitio Bangkereg, Barangay Iba sa San Jose, Tarlac, Miyerkules ng tanghali.

Batay sa isinumiteng report sa traffic section ng San Jose Police, nasugatan sa iba't ibang parte ng katawan sina Justine Paul Osorio, driver ng Motorstar Star X 155 motorcycle (HM-7757); Geno Masiglat, 17; at Rey Blanco, 16, pawang taga-Bgy. Iba, San Jose.

Nakasalpukan ng motorsiklo ang Skygo King motorized tricycle (CD-56737) na minamaneho ni Joseph Afan, 24, may asawa, na nasugatan din, gayundin ang pasaherong si Joel Pentecostes, 31, ng nasabing barangay.

Probinsya

Reelectionist sa pagkakonsehal sa Ilocos Sur, patay nang barilin sa ulo!