Ni: Leonel M. Abasola
Iminungkahi ni Senador Nancy Binay na pakawalan na ang mga preso sa mga detention center na nakapagsilbi na ng kanilang sentensiya habang nasa kustodiya upang mabawasan ang pagsisiksikan sa mga kulungan sa bansa.
“It is the policy of the State for the humane treatment of inmates and prisoners. Yet, the Bureau of Jail Management and Penology has recently admitted that its jails are now congested by 583 percent,” ani Binay.
Nakasaad sa kanyang Senate Bill No. 1263 na dapat pakawalan na ang mga preso na nagsilbi ng kanilang sentensiya na katumbas ng kanilang multa, at saklaw nito ang lahat ng correctional at detention facilities na hawak ng BJMP at Bureau of Corrections.