Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig)

3 n.h. – Cignal HD vs Batangas

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

5 n.h. – Flying V vs Tanduay

HILAHAN sa ilalim ng standings ang tema nang sagupaan sa pagitan ng mga nangungunang koponan sa paglarga ng 2017 PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Sasagupain ng league-leader Flying V ang pumapaimbulog na Tanduay sa tampok na laban ganap na 5:00 ng hapon, habang makakaharap ng last conference champion Cignal HD ang pumapangalawang Batangas.

Nag -iisang koponan na wala pang talo matapos ang limang laro, hindi pa rin kuntento si Thunder coach Eric Altamirano sa nilalaro ng kanyang koponan.

“We’re still very inconsistent,” sambit ni Altamirano.

Galing sa 94-86 panalo ang Flying V kontra Racal.

Sa kabilang dako, nais naman ni Rhum Masters mentor Lawrence Chongson na sila ang magdulot ng unang kabiguan ng Thunder.

“Nothing is sweeter than dealing them their first loss,”ani Chongson.