Ni: Nitz Miralles

SA isang deleted post sa Instagram (IG) ni Xian Gaza, may picture sila ni Ogie Diaz na tinawag niyang business partner. Sa Facebook, may post si Ogie sa pagiging “business partner” nila ni Xian.

Ito ang paliwanag ni Ogie:

OGIE AT LIZA_please crop copy copy

Trending

Proud mom na ‘umawra, rumampa’ sa graduation ng anak, dinagsa ng tulong!

“Ang dami na rin lang nagtatanong tungkol kay Xia S. Gaza kung kaibigan ko ba siya? Scammer ba siya? Manloloko? O talagang matinong businessman at business partner talaga ako?

Kasi na-drag ang name ko (wow, na-drag talaga) sa isang post ng isang taong may galit o bad experience kay Xian.

Yes. Kilala ko siya. Mabait naman siya sa akin at sa mga kaibigan ko, in fairness.

Yes, inalok niya akong investor sa civet coffee business niya, pero nag-pull out po ako ng investment (with interest gain naman) dahil kailangan ko ng pera sa isang property na deadline na for full payment about two weeks ago.

‘Yung kay Erich Gonzales na viral ngayon, hindi ko po alam ‘yan. Baka diskarte niya ‘yan bilang manliligaw. Nu’ng na-viral na, du’n ko na lang nabasa.

Hiyang-hiya nga sa akin si Xian at nagso-sorry dahil nadadamay na raw ako at ‘yung pagpapa-picture niya with Liza Soberano ay nagamit din.

Hindi ko po alam ang mga transactions niya in the past. Kung meron mang concerns at ibang tao sa kanya dumirekta na lang po sa kanya, ‘wag po sa akin.

Mula nu’ng mag-pull out po ako ng investment (parang ang laki-laki naman, hahaha) sa kanya, hindi na po kami nagkita. Huli naming usap ay ‘yung na-viral ang coffee invite niya kay Erich.

Nagtampo nga ako sa potah dahil ‘pag nagkape kami, hindi naman niya pinapagawan ng billboard. Charot.”