Ni: Mina Navarro
Hindi na kailangan ng mga overseas Filipino worker (OFW) na kumuha ng Overseas Employment Certificate (OEC) para sa pagpapadala dahil pagkakalooban na sila ng iDOLE-OFW Identification Card, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.
Ayon sa kalihim ang iDOLE-OFW ID ay magsisilbing kapalit ng OEC para sa pinahusay at maginhawang paghahatid ng mga serbisyo at programa ng gobyerno sa mga OFW.
“We are trying to adopt a system that this iDOLE can serve as OFWs passport. Kakausapin natin nang maigi ang Department of Foreign Affairs and the Department of Justice, through the Bureau of Immigration. Para ‘yang iDOLE na yan ay pwede na ring gamitin bilang passport,” wika ni Bello.