Ni: Liezle Basa Iñigo

MANGALDAN, Pangasinan - Matapos tumangging ibigay ang kabibili lang na pandesal na kinuha sa kanya, isang lalaki ang nanuntok at aksidenteng nakapatay sa panulukan ng Arellano at Biagtan Street sa Barangay Poblacion sa Mangaldan, Pangasinan.

Ayon sa report, sinuntok ni Rolando Viado, alyas “Jay Ar”, ng Bgy. Palua, ang biktimang si Conrado Cera, 54, ng Bgy. Guilig, pero nabagok ang huli at nasawi.

Dakong 10:45 ng gabi nitong Martes nang tinangkang bawiin ng suspek ang plastic ng kabibili lang niyang pandesal na kinuha umano ni Cera pero tumanggi ang huli.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?

Dahil dito, sinuntok ni Viada si Cera, ngunit nabagok ang huli nang bumagsak sa semento.