ELLA copy copy

Ni NITZ MIRALLES

NAAPEKTUHAN si Xian Ganza sa walang tigil na pamba-bash sa kanya via his social media account lalo na nang lumabas ang nanay ni Ella Cruz at ang isang dati niyang empleyado sa isa niyang business. Hayun, deleted na ang maraming pictures ni Xian sa Instagram.

Tatlong posts na lang ang itinira niya, ang dalawang pictures ng billboard sa Morayta na iniimbitahan niyang magkape si Erich Gonzalez. Itinira rin ni Xian ang picture na magkasama sila ni Erich na kuha noong first time niyang makita ang aktres sa Uptown Cinema.

Human-Interest

Ang 'conclave' at ang pagpili sa susunod na Santo Papa

Pinapayuhan si Xian ng followers na nakikisimpatiya sa kanya na i-off ang comments section ng IG niya para hindi na siya makabasa ng mga panlalait. But as of yesterday, naka-open pa ang comments section kaya tuluy-tuloy pa rin siyang naba-bash.

Sa Facebook, nagpaliwanag si Xian sa mga isyung kinasangkutan kasama ang isyu na tinawag siyang stalker ng ina ni Ella Cruz. Pati si Ella, may cryptic post na “Whooo creepy” at “Not real” na sabi ng mga nakabasa, si Xian ang tinutukoy.

Itinanggi ni Xian na stalker siya ni Ella at ipinost ang pictures na magkasama sila at may video pa nilang dalawa.

May isyu na ring lumalabas na pinormahan din niya si Liza Soberano.