DIREK ERIK copy copy

Ni: Nitz Miralles

PUSTAHAN tayo, itong ingay sa Metro Manila Film Festival (MMFF) dulot ng pagre-resign nina Ricky Lee, Ronaldo Tolentino at Kara Magsanoc-Alikpala ay tatagal pa hanggang next year.

‘Yun bang kahit tapos na ang 2017 MMFF, may isyu pa rin

Human-Interest

Boss, nabanas! Office worker na pumapasok nang maaga, sinibak sa trabaho

May panibagong post nga si Direk Erik Matti tungkol sa criteria sa 2017 MMFF:

“Kung sinabi na lang nila mula sa simula pa na ang criteria sa pagsali sa #MMFF2017 ay 30 % artista 30% producer 30% kwela at 10% brightness, di wala na sanang problema. Nagtago pa kasi sa global appeal at artistic excellence, e.

Walang problema gumawa ng commercial movies. Walang problema sa pinili nilang apat kasi sa dulo baka maganda rin silang commercial movies (sana). Ang problema ang kung paano ang palakad nitong bagong #MMFF cartel.

Alalahanin natin na ang Congress na mismo nagsabing may katiwalian na dapat sagutin ang dating namumuno ng MMFF.

Meron pang Commission on Audit na kaso. And sila ulit ang nandidiyan na nagpapatakbo nitong festival. Bakit walang nagtatanong tungkol dito? Ambilis nating makalimot. Ganu’n na ba tayo kamatatakutin na ayaw nang magreklamo sa mali?”