Ni: Hello Giggles

ENGAGED na sina Michelle Branch at Patrick Carney.

Si Patrick, drummer ng bandang The Black Keys, at si Michelle ay nagkatrabaho sa bagong album ng singer na Hopeless Romantic, na inilabas nitong unang bahagi ng taon at unang studio album ni Michelle sa loob ng 14 taon.

Nagkakilala ang dalawa nang taong aprubahan ang diborsiyo ni Michelle sa dating asawang si Teddy Landau, at sa Hopeless Romantic ay hindi lamang ipinahayag ng singer ang sakit ng paghihiwalay kundi maging ang kasiyahan din kapag muling nagmahal.

Hajji Alejandro, partner magdiriwang sana ng 27th anniversary

Nagsalita sa Billboard tungkol sa pakikipagtrabaho kay Patrick, sinabi ni Michelle na hindi mabubuo ang album kung hindi dahil sa fiancé niya ngayon.

“There’s such a safety being in a romantic relationship with someone who I work with creatively,” aniya. “You don’t edit yourself. Patrick knows what I like, and I know what he’s into. There’s no bullshit.”

Nang ipagdiwang ang 34th birthday ni Michelle, nag-alok ng kasal si Patrick.

Ibinahagi ni Michelle ang masayang balita sa Instagram.

“Thank you for all the birthday love and wishes,” saad niya. “Last night, right before I blew out my candles, @officerpatrickcarney asked me to marry him and then I had nothing left to wish for. 34 might be the best year yet.”

Kasunod nito ay ipinaskil ng singer ang litrato ng kanyang engagement ring, na isang Art Deco delight.

Hindi man niya binanggit ang kanilang engagement, nagbahagi rin si Patrick ng adorable shoutout sa kanyang fiancée para sa kaarawan nito.

“Happy birthday to my main squeeze @michellebranch I’ll be on the road with her all summer and available for salad recipe exchanges!!!! Come check it out,” sulat niya.

Halatang in love ang dalawa. Sa katunayan, lumipat si Michelle at ang kanyang 11-a year-old daughter na si Owen sa Nashville para mapalapit kay Patrick.

“He’s an amazing, amazing human,” sabi ng singer sa People nitong Abril. “We both just jumped in with both feet.”