Ni DINDO M. BALARES
HINDI pa rin makapaniwala ang Binibining Pilipinas International na si Mariel de Leon nang humarap sa reporters, pagkatapos ng story conference ng Ang Panday sa Fernwood Gardens sa Quezon City nitong nakaraang Martes ng gabi, na siya ang magiging leading lady ni Coco Martin sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry.
“I feel so lucky, so blessed and it’s unbelievable talaga,” sabi ng dalaga nina Sandy Andolong at Christopher de Leon.
Nang gabing iyon lang unang nakita ni Mariel si Coco na siya mismong pumili sa kanya. Bukod sa pagganap bilang Flavio o Ang Panday, si Coco rin ang isa sa mga sumulat ng screenplay at direktor ng iconic nang istorya sa komiks at pelikula.
“I just met him today. I can tell that he’s really a genuine and nice person, and I can’t wait to work with him,” sabi ni Mariel at idinugtong na pinanood niya ang mga dating pelikula ni Coco at ang ilang episodes ng Ang Probinsyano para magkaroon siya ng idea kung paano ito magtrabaho bilang aktor.
Instinct ang pagkakapili ni Coco kay Mariel.
“Isang araw nakita ko siya sa TV, napanood ko, ‘tapos parang alam ko nang siya ‘yong pipiliin ko. Pinatawagan ko agad siya,” kuwento ni Coco.
Ipinagpaalam niya si Mariel kina Boyet at Sandy at kung ano ang magiging role nito sa pelikula.
“Ipinangako ko na talagang aalagaan ko siya,” sabi ng aktor/direktor.
Hindi sinabi ni Mariel kung ano ang magiging role niya o magiging pangalan ng character niya pero pinaghahandaan na niya ito.
“Well of course, I want to study my character and ask my parents for more advice on what I can do in terms of acting.
And maybe I’ll take workshops na rin and work on my Tagalog,” aniya.
Hindi magiging problema kung magkakaroon sila ng kissing scene ni Coco, pero hanggang halik lang ang kaya niya.
Sasabak sa Miss International pageant sa Tokyo sa Nobyembre si Mariel, paano niya pagsasabayin ang paghahanda para sa paligsahan at ang shooting ng Ang Panday?
“Balance naman ang time management and proper scheduling. And I said yes to this project because it would be not smart of me to say no to a role like this. So might as well say yes, di ba? Kasi it’s a once-in-a-lifetime opportunity,” sabi ng showbiz royalty pero ngayon pa lang sasabak sa seryososang pag-arte.