Ni: Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Kalaboso ang isang mag-ina makaraang maaresto ng pinagsanib na puwersa ng Cabanatuan City Police Station-Drug Enforcement Unit (CCPS-DEU), Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3 sa anti-illegal drugs operation sa Purok Centro, Barangay Dicarma ng lungsod na ito, Lunes ng umaga.

Dakong 4:30 ng umaga nang masakote ang umano’y tulak na mag-ina na sina Fe Aguilar y Hayag, 62; at Jayson Basa y Hayag, 33, kapwa residente sa nasabing lugar.

Nang makabili umano ang poseur buyer na si PO1 Marvin Tomas ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay pinosasan na ng iba pang operatiba ang mag-ina.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nasamsam umano mula kay Jayson ang pitong pakete ng umano'y shabu, habang pitong plastic sachet din ng shabu ang nakumpiska kay Fe.