Ni Aaron B. Recuenco

Makikipagtulungan ang Philippine National Police (PNP) sa mga Grab car driver na magsisilbing informant o intelligence personnel ng pulisya sa pagpapaigting sa kampanya laban sa kriminalidad at terorismo.

Ayon kay Chief Supt. Antonio Gardiola, director ng Highway Patrol Group (HPG), malaking tulong ang 10,000 Grab car driver bilang karagdagang “mata” lalo na sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila at sa iba pang lugar sa bansa.

“They move around and observe things on a daily basis,” ani Gardiola.

National

Diokno kay Ex-Pres. Duterte: ‘Tara na, i-set na natin ang date mo sa ICC!’

Ang pakikipagtulungan sa mga nasabing driver laban sa krimen at terorismo ay base sa memorandum of agreement sa pagitan ng HPG at ng Grab Philippines na nilagdaan kahapon sa Camp Crame sa Quezon City.

Sinabi ni Gardiola na magkakaloob ang mga Grab car driver ng mahahalagang impormasyon na ititimbre sa HPG at iba pang police units.

“This will surely benefit the entire PNP,” sabi ni Gardiola.

Bilang kapalit, sa pamamagitan ng HPG, sasanayin ng PNP ang mga Grab car driver sa road safety at pagiging magalang, at ipapaalam din ang tungkol sa mga krimen sa kalsada.