Ni: Vanne Elaine P. Terrazola

Arestado ang dalawang enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa umano’y pangongotong sa mga bus driver sa kahabaan ng EDSA sa Quezon City, nitong Martes ng hapon.

Pinagalitan ni MMDA chairman Danny Lim sina Henry Cruz at Crisanto Andai sa Cubao Police Station (PS-7), matapos silang damputin sa entrapment operation ng MMDA at ng mga pulis sa EDSA malapit sa Main Avenue, sa Cubao, bandang 2:31 ng hapon.

Ayon kay MMDA Traffic Enforcement and Operations director Roy Taguinod, nag-ugat ang operasyon sa mga sumbong na sangkot sa pangingikil ang kanilang mga tauhan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Aniya, nagreklamo ang ilang bus company laban sa mga MMDA enforcer sa EDSA na nanghihingi ng pera sa kanilang mga driver.

Bilang kapalit, hindi sila huhulihin sa kanilang paglabag sa batas-trapiko. Inoobliga ang mga driver na magbigay ng P50 kada araw, ayon pa kay Taguinod.

“Their modus also involves street vendors. Conductors pretend to buy candy, for example, and will hand over the money at the same time…That way, they can wait for passengers as long as they want without being accosted, especially in ‘No Loading and Unloading’ areas,” sabi niya sa mga mamamahayag nitong Martes ng gabi.

Sinabi niya na tatlong linggo nilang minanmanan sina Cruz at Andai bago inilunsad ang operasyon.

Nahuli sa aktong tinanggap ng dalawa ang P100 marked money mula sa isang konduktor.

“We did not fail in reminding them to avoid such acts. Since my first day at the MMDA, I have been telling them that I don’t give second chances when it comes to extortion. We will not forgive it. So we will investigate, file charges, and then I kick them out service,” sambit ni Lim.